By: Dra. Jocelyn A. Ilaya, M.D

Nitong mga nakaraan taon ay hindi ko magawang uminom ng tubig na galing sa gripo na sinusupply ng local water district ng Balanga. Alam ko bilang doctor na maraming sakit ang pwedeng makuha kung ang tubig na aking maiinom ay kontaminado o marumi ang pinanggagalingan. Kaya nga ba, sobrang ingat ako pagdating sa paggamit ng tubig na pansarili o pampamilya man.Ito ay ang paniniwalang ang tubig na sinusupply ng water district ng Balanga ay kontaminado at hindi safe inumin.

Nitong mga nakaraang buwan ako ay naexpose sa operation at sources ng tubig ng ating water district ng Balanga at dito ko nalaman na ang pinanggagalingan ng tubig ay sa deep well o malalim na source ng tubig sa lupa na kung iisipin ay isang purong source ng tubig dahil ito ay dumaan na sa pagsala ng ibat—ibang layers ng ating lupa. Napagalaman ko din na ang tubig na dumadaloy sa ating mga tubo at gripo ay sumasailalim din sa isang masusing bacteriologic exam kada buwan at physichochemical testing na once a year upang mapagalaman ang kaligtasan at komposisyon ng tubig na ating ginagamit at iniinom. Ito din ay sumasailalim ng chlorine treatment bago pakawalan sa ating mga sambayanan. Ito ang pamantayan ng ibat ibang ahensya ng gobyerno at World Health Organization (WHO), upang makatiyak na ligtas ang tubig na ating gagamitin na kung saan tayo ay pasado sa batayang ito.

Nakikita ko rin ang malalaking pagbabago ng linya ng tubig sa ating lungsod lalo sa pag – upgrade ng mga bagong tubo upang mapagsilbihan ang marami pa nating mamamayan na hindi naabot ng serbisyo nito. Idagdag pa natin na ang mga kawani at empleyado ng ating water district ay tubig na sa gripo ang kanilang iniinom at ginagamit sa pagluluto.

Ang aking paniniwala na ang mineral at distilled water lamang ang ligtas na inumin ay napalitan ng isang tamang kaalamanan na ang tubig sa ating lungsod ng Balanga ay napakaligtas, masrap at puno ng mineral na kailangan ng ating mga katawan. Hindi na natin kailangan ng distilled o purified water upang makasiguro sa kalusugan ng bawat isa sapagkat nandito na ang TUBIG NG BALANGA.

Kaya mga kaibigan, kapuso at kapamilya sinisigurado ko sa inyo na pwede na nating inumin ang tubig na galling sa water district ng Balanga at ito ay ligtas, masarap at puno ng mineral.

KAYA TARA NA….SAMA NA…….INUMAN NA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!